Friday, December 10, 2010

Everyday Eveready Moments


You know how significant and dependable a brand is when it becomes synonymous to the product. Take the case of Eveready. You’ll definitely think about batteries when you hear the name, right?

Eveready has been a partner of many Filipinos for 110 years now--- all the way back since we had President Emilio Aguinaldo as our first president. After 15 Presidents and counting, two world wars, hundreds of typhoons and countless of brownouts in the country, Eveready continues to be a part of Pinoy life, both in good times and bad times.

Memories of my Eveready moments suddenly hit me from left to right. Like my lolo who always ask me, “Bilhan mo nga ako ng Eveready para sa radyo ko, apo.”

Hmmm… I have so much Eveready moments that I need to make a list. Yeah, why not? Walking down the memory lane is always fun. So here’s my top Eveready Everyday Moments:



1. Scaring my self during brownouts. Mahilig akong manakot ng mga kalaro ko nung bata pa ko at sa sobrang galling ko e pati sarili ko natatakot ko. Alam kong nasubukan n’yo na din ‘to nung panahon na may naiipit na dikya sa transformer ng NAPOCOR at halos araw-araw walang ilaw: ilagay ang Eveready sa flashlight at humarap sa salamin sa loob ng isang madilim na kuwarto. Buksan ang flashlight at makikita mo sa harap ng salamin ang nakakatakot na nilalang! Nyaaaaaa!


2. When hunting season opens. Noong mga panahong wala pa ang tatlong pabrikang nakapalibot ngayon sa village namin, isang malaking paraiso (enter music bed: Smokey Mountain’s Paraiso) ang bakanteng lote na madaming damo at mga puno. Tuwing gabi gamit ang Eveready flashlight, nanghuhuli kami ng gagamba at salagubang para ipanlaban sa mga taga-kabilang kalsada. Pero ang talagang pinaka-aabangan ko e ang pagpatak ng anting-anting ng puso ng saging na nagbigay ng kapangyarihan kay Ramon Zamora sa pelikulang Pedro Penduko.


3. Brick game is the best game ever. Naalala kong bigla yung dalawang classmate ko nung high school na nagsuntukan dahil nag-agawan sa brickgame na usong-uso noon. Pag wala ka nun, nakatunganga ka lang sa likod ng naglalaro na napapamura pa kapag may maling salansan ng bricks. Siyempre, nung binilhan ako ng nanay ko dahil nagsecond honor ako nung high 2nd year high school, special request ko ang isang pack of 4 na Eveready para sa magdamagang kasiyahan. Hanggang ngayon, nasa cellphone na ang larong brickgame e hindi ko pa din nae-ending ang laro at maligtas yung princess :-(


4. Under the spotlight. Hindi po kanta ang mga susunod na linya. Nakalusong ka na ba sa dagat ng basura? Nag-aral ka na ba habang may brown out at baha? Finals namin sa school kaya kailangang mag-aaral kahit baha sa sala at brownout pa din kahit isang linggo na mula nun bumagyo. Kelangang mag-improvise kasi nga 2nd honor ako at dapat i-apply ang natutunan ko sa electronics class. Bumili ako ng bumbilyang maliit, maikling wire at 9 volts na Eveready at gumawa ng lampshade for yagits. Kung may Wish Ko Lang na nun, baka na-feature ako dahil sa emote ko na pang-Oscars: studying in the midst of a barangay-wide brownout while my feet with alipunga is dipped in flood waters. Ahhh… na-teary eye naman ako.


5. Thank you for the music. Mahilig akong makinig ng music. May turn table kami noon pero dahil sa kalikutan ko e maraming nabaling plaka. Marami na rin akong napakaing tape sa cassette player namin at ibinabad na radio sa balde (para kako linisin). Music lover nga ako e. Nung college, halos mangayayat ako sa pagtitipid ng baon ko para makabili ng walkman. At nakabili naman ako bago pa ako ma-rehistro na malnourished sa school namin. Hanggang sa una kong work pagka-graduate at maikling pag-stay overseas e dala-dala ko ang walkman at ang partner nitong double A Eveready, di ako nauubusan. Last year lang nasira ang walkman ko courtesy of my 1-year old son. Ngayon alam ko na feeling ni Tatay noon.



6. Passing the torch. Nahihilig ang anak ko ngayon sa mga bagay na tumutunog at umiilaw. Ako din naman kaso bubugbugin ako ng asawa ko pag pumunta ako dun. Yung sa anak ko e mga laruang de baterya. Alam n’yo ang cute kasi pag hindi umaandar o tumutunog ang laruan niya, pupunta na yan sa cabinet kung saan nakalagay ang mga reserba namin ng Eveready batteries at pilit ipalalagay sa laruan niya. E, 1 year and 8 months old pa lang siya. Nung ganun ang edad ko, sabi ni nanay e ang kaya ko lang daw gawin e sumayaw sa ibabaw ng lamesa tuwing tanghali habang tumutugtog ang theme song ng Eat Bulaga.

I can actually make a longer list but I think, I don’t need to tell all my stories because I am pretty sure that most Filipinos have there own Eveready moments to tell. These stories will definitely echo to generations to come. Dahil ang Eveready, kasama sa pagbuo ng isang laging handang Pilipinas.

* Images used in the list is from The Joe Comic Index.

7 comments:

Marianne Cristine said...

Congrats po! Simpleng astig! You really deserve to win, at grabe, naka-relate naman ako ng sobra, lalo na po yun tungkol sa brick game :)

jared's mum said...

congratulations!galing!

Richard Mamuyac said...

@mcristine... thanks... oo nga e... parang wala nga akong kilalang kaibigan na hindi nakapaglaro ng brick game hehe

@Jared's mum... thanks din po.

Btw, as a way to celebrate my win, I am holding a contest on my other blog:

www.mapanghingikaba.blogspot.com

Join po kayo. God bless!

Anonymous said...

ASTIG!

ph1l1p said...

congrats sa pag ka panalo mo sa contest

Jhiegzh said...

You truly deserve to win the contest...Very organized yung thoughts and well delivered into paragraphs...Isang masigabong clap2x!

Richard Mamuyac said...

Thank you for all your kind words, guys!

As part of my celebration for the win, I am inviting you guys to join the anniversary contest of my other blog:

http://mapanghingikaba.blogspot.com/2011/02/mapanghingi-ka-ba-1st-anniversary.html