Thursday, February 24, 2011

How I became the Big Bad Blogger

Four years ago, an online buddy tipped me about a blog writing contest sponsored by a big supermarket. It was the first time I thought of making my own blog so I can join the contest which I did. A blog for me then was just an online diary for people who have a lot of extra time in their hand.

I don’t know if I can be proud of that my very first ever post is about that supermarket which luckily managed to win a Php 500 gift card despite of just being text heavy with no images or whatsoever (back then, I still don’t know how to place a photo in a post. All virgins lack something in their first time, you know).

Today, I will announce something a few people have denied. It took me a stick of gum and a semi-loud burp to finally decide that I really have to do this. Yes, I am the BIG BAD BLOGGER and trying to be proud of it.

You see, I don’t know if my wife has noticed it and is just playing blind mouse but I am actually experiencing symptoms of what the morals call the The 7 Deadly Sins ever since I started blogging. Well, here are the symptoms and please let me know what you think:


LUST. Excited akong pumunta sa mga blogger’s event dahil bukod sa mga freebies at libreng chicha ay pwede akong magpa-picture kasama ang mga guest celebrities. Ampopogi at ang gaganda nila. Minsan, ginagawa ko pang profile pic sa FB kahit malabo pa ang kuha at mukha akong dukha katabi ang amputi-puting artista para ipagmalaki sa buong mundo na minsan sa buhay ko ay nakadikit ng mga balahibo ko sa braso ang mga balahibo sa braso ng isang sikat na artista. Pag napanaginipan ko pa, jackpot!

GLUTTONY. Kapag may food event, kape lang talaga ang almusal ko at light lunch sa tanghali para sa gabi e lahat ng putahe sa buffet table ay may space sa tiyan ko kahit maka-dalawang balik pa ako. Minsan nga isinama ko pa asawa ko, sabi ko date kami sa Wack Wack, siyempre go siya dahil first time niya dun tas malaman niya, isang daang tao pala ka-date namin. Pag nagustuhan ko pa yung isang dessert, tina-try kong makapag-take home para makatikim din ang anak at biyenan ko. When I started blogging, my waistline was just 30 which is 2 inches thinner than my current size. That’s explain how I become a BIG blogger now.

GREED. Nito lang February 2011, tatlong major contest ang napanalunan ko. Una yung sa Nuffnang Eveready contest tapos nanalo din akong first prize sa Valentine’s card making contest ng Manila Bulletin. Napili din nga ng Wish Ko Lang ang sulat ko at binigyan kami ng isang kakaibang date ni misis nung Feb. 14. Sabi tuloy ng asawa ko, “Quota ka na ha?” na ibig sabihin pede ko nang tantanan ang iba pang contest. Naku, kahit yung pa-contest na doughnuts ang premyo, effort pa din ako sa pagsali hanggang ngayon.

SLOTH. Dati nung magkasintahan pa lang kami ni misis, basta may paparating na special event e nagpi-prepare na ako kahit isang buwan pa ang layo. Effort sa paghahanap ng pwedeng kainan tsaka kakaibang gift. Ngayon, nakaupo na lang ako sa harap ng PC at nag-aabang ng contest na premyo e free lunch or dinner at mga bagay-bagay tulad ng cellphone, iPad, concert tickets, whitening soap, 2nd hand aircon at kung ano-ano pa. Bibili lang ako ng regalo kapag in-announce na ang mga winners at di ako kasama sa listahan.

WRATH.
Ewan ko ba kung bakit madaling mag-init ang ulo ko pag may mga taong nahihirapang intindihin kung paano mag-blog. Feeling ko kasi andali lang since 4 years ko nang ginagawa. Meron kasing nagtanong kung paano gumawa ng blog kaya in-introduce ko Blogger kasi may gmail account na siya tapos paulit-ulit pa din ang mga tanong niya, nalaman ko yung ginawa niyang blog e sa Multiply. Di ko nga in-accept friend invitation niya. BAD ko no?

ENVY. Dati, nadadaanan ko lang yung salitang Hater kapag nagbabasa ko ng mga thread ng mga fans nila Kobe Bryant at LeBron James o kaya sa mga showbiz sites kung saan pinagsasabong ng mga fans ang mga idolo nila. Ngayon, andaming ko nang nabasang blog na hater ng isang brand and another kasi na-delay o di pa nakukuha ang premyo sa promo o kaya natalo sa contest. Minsan din akong naging hater kasi yung nanalo sa padamihan ng “Likes” na contest, andaming bogus account na voters kuno. Kawawa naman yung desrving ang entry pero natalo dahil onte lang ang votes. Enough said.

PRIDE. Share ko lang yung nangyari nung nag-claim ako ng Php 500 GC na premyo sa isang supermarket. Sabi ko, “blogger po ako.” Sagot sa akin nung taga-information booth, “Ha? Sa HR po mag-aaply ng bagger.” Wow tinamaan ego ko dun! Para lang yung tiyahin ko. Narinig niya kasing sinabi ko kay misis, “Mamaya pakita ko sa ‘yo blog ko.” Kinausap ba naman ako sabi niya, “Yung mga ganyang bagay na pang-mag asawa di n’yo dapat pinaparinig sa ibang taosabay tingin sa puruntong ko. Bigla akong napayuko sabay takip sa puson ko.

This year, I intend to be a better blogger that I can be since I am also maintaining an advocacy blog called Mapagbigay ka ba? which is the counterpart of my contest blog Mapanghingi ka ba?

To do this, I will be attending blog workshops and learning events to improve my writing skills and knowledge about the cyberspace. I would like to be health conscious as well because a healthy body comes with a healthy mind that will definitely reflect on my blog, and maybe on my waistline too.

Generally, what I want to do is to do away with the BIG and Bad things and just be a BLOGGER in the very essence of its meaning, and that is to freely express what is in my heart and mind for the world to know.

28 comments:

Chacha said...

funny! congrats sa mga winnings mo :-)

HighFlyers said...

Nice one, sir! YOu actually made me think that you are the BBB haha!

Good luck

rdnofera said...

hahaha! :) meron din akong mga experience na similar sau.

ENVY: Hehe, although minsan nakapanalo ako sa 'like' contest, pag malaki na ang premyo kukunin lang yun ng mga 'pro' sa likes. Kaya ayun... don't like ko na ang full likes..

GLUTTONY: Yup, masarap talaga kumain ng libre.

GREED: There's always room for winning more contests, hehe.

SLOTH: Minsan tinatamad din ako lumabas kasi may contest deadline dapat habulin, hehe.

Darwin said...

SUPERB! CLAP! CLAP! CLAP! Standing ovation pa, very honest and entertaining post, Sir, you are indeed THE BIG BAD BLOGGER, hehe!

akala ko nga talaga ikaw yun,hehe! grabe no, parang showbiz na rin ang blogging may mga intriga din, hehe!

darwin
http://damicaye.blogspot.com
http://trackingtreasure.net

Booksmart said...

hehe... nice one, bro!

there is a blogging summit happening in UP in April. that's a great event for learning new things and innovations about blogging

Ferdinand A. said...

Good luck Mr. Big Bad "Bagger" :-)

Mommy Leah said...

hoping for the best in 2011. I hope you'll achieve what you are aiming this year! Astig for the win!

Richard Mamuyac said...

Whoa! Dami agad comments. Thanks, guys!

@rdnofera... so, may mga simtomas ka na din pala hehe

@Darwin... walang gustong umamin kaya inako ko na ang titulo :-)

@Ferdinand... kainis pero being a bagger is a noble job naman kaya ok na ding mapagkamalang aplikanteng bagger haha!

@kuwento... isi-share ko naman sa yo yung dream ko e

jared's mum said...

congrats to all your winnings this year..hoping you keep on winning + sharing hilarious + entertaining stories:)

Richard Mamuyac said...

@ Jared... it makes me happy if I find out that I make someone smile/ laugh. Hindi ba overstatement ang hillarious kasi sabi ng wife ko, corny daw ako hehe

@Vix...this is a long shot kasi i only find time today to join e sa Monday na ang deadline diba. But thanks for the kind words and support :-)

Gems said...

I'm sure you have more stories to tell in your journey as a blogger... bitin ako kasi tawa na ko ng tawa tapos limited sa 7 stories lang. Kampai! Kampai! hope you win!

Ekward said...

astig na post ito!

Masyete Abrenica said...

Kaloko 'to. Akala ko may nag-confess na sa pagkakasalang blind item pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Napatawa mo ko ha? Sana manalo ka ang mambalato sa mga bumuto sa 'yo.

Sir Coolbuster. I-panalo mo na si Astig kahit 4th place. Ay, hanggang 3rd lang pala may prize... bwaahaha!

peace astig! :-)

Richard Mamuyac said...

@Asca and Ekward... thanks, thanks!

@Masyete... salamat at napatawa mo din ako... bwahaha din sa 'yo! :-)

SEO Philippines said...

The Title itself is very controversial. Great! You have experienced and learned something about life in blogging. I am glad to hear that you feel life in it - having the journey in blogging. I like people who really make a difference in their lives and I believe people would learn from their mistakes and from their bad doings. But if you can, it is nice to hear phrase "Big Good Blogger" spreading goodness in the Philippine blogoshphere.

Thanks for the brilliant article. I wish you lack in your entry.

diane said...

Really Funny!!!
Although nakakarelate din naman ako ibang mga experience mo...
Goodluck!!!

Richard Mamuyac said...

@ SEO Ph and Diane... thanks for your kind words. God bless! :-)

emily the strange said...

HAHAHA! Funny! Goodluck, Mamu! Libre mo ko pagnagkasabay tayo sa terminal sa San Miguel! hahaha!

Gems said...

Btw, I hope you don't mind if I tweet your post. Thanks! :-)

Richard Mamuyac said...

@ emily... hehe, kailangan talaga in-announce dito sa blog hehe

@ asca... sure, bro. thanks :-)

khene rae paranga said...

HAHA! so funny and very interesting!
especially yung deadly sins...
heres my blog
http://yellowsplat.blogspot.com
Laugh,Learn and get entertained!lol!
Thanks for the coolbuster.. Ill join that contest too..
hehe
btw. Please do often check my blog and dont forget to follow=D nice meeting you ASTIG GUY

SkateShoesPH said...

good luck sa pag career mo sa mga blogging contests.. mukhang mananalo ka na naman sa PLDT watchpad mo...ganda ng blog mo e.. sana di ka na lng sumali.. aheheh.. kita kita na lang sa yellow cab

Maria Magcauaus said...

nyaaa parang gusto kong sumali ha, naaliw ako sa post mo. heheh.

Richard Mamuyac said...

@ KR Paranga... Yup, visited your blog and it's funny! nice posts

@Matteo... nice meeting you sa Yellow Cab

@ManileƱa Mom... Thanks for the kind words, Ning

Cai said...

Laugh trip! Panalo yung SLOTH !

Mommy Pehpot said...

lakas maka laugh trip neto ah hehe

note: alisin mo na captcha ng comment section mo LOL

Filipina Explorer said...

LOL on take-out dessert. Gawain rin ng nanay ko yan 'pag may pinunpuntahan kaming buffet. Purposely nagdadala siya ng malalaking ziplock bags sa loob ng bag, sabay itsa lang ng dessert pag walang nakatingin! hahaha!

Mellow ka na nga ngayon, di na kita gano nakikita sumasali sa contests!

And FYI, hindi na rin ako sumasali sa contests na may element of likes. Nakakaloko naman talaga kasi minsan yung maraming accounts ng nu?At parang nawawala rin yung mismong essence nung contesy.

Richard Mamuyac said...

@Cai... SLOTH in a good way naman hehe

@Pehpot... tinanggal ko na po yung captcha :-b

@Gretchen... where are the "real" contest now? Sadly, may mga "likes" element na talaga halos

Thanks for reading, guys! I am glad napangiti ko kayo hehe