The month of May is one of busiest time of the year. While some
are preparing for their town fiestas and the many activities it brings
(basketball tournaments, sagala, beauty contests, etc), others engage in road
trips and out-of-town adventures before the back-to-school season hit the
scene.
But we should not forget that a special day is celebrated
worldwide in the midst of the festivities and madness that the hot air of
summer gives. Every second Sunday of May is recognized as the day of appreciation to the
greatest women in our lives. I am not talking of our wives and girlfriends. It’s
your mama, mommy, mom, nanay, ma, inay, mudra, inang, mum and whatever unique name you
call her.
A few days ago, I was watching a video over Youtube when I
saw a thumbnail of a video on the sidebar of the screen with the title, “Best
Job.” In the next two minutes, I felt a
pinch in my heart and was just moved with the images and message of the short
yet inspiring clip. After viewing it, I told myself that I want to do something
special for my Nanay Conchit this coming Mother’s day.
I plan to cook tinola for her. Something that she always does for me every time I am down, with sickness or due to a sad episode in my life, and every sip of her wonder soup lifts up my spirit and brings a smile on my face. I also wrote her a letter which I want to share to you guys. Why? You’ll find out when you read the note below. I decided to do it in tagalog and you’ll also know the reason for this in the letter.
Dear Nanay,
Huwag ka sanang magtaka kung bakit sinulatan kita. Wala po
akong mabigat na problema, uunahan ko na po kayo.
Magpi-pitong taon na yata ang nakalipas ng huli kitang sinulatan noong
nagta-trabaho pa ko sa ibang bansa.
May mga bagay lang kasi akong gustong aminin sa inyo na
dapat ay matagal ko nang nasabi. Ito na siguro ang tamang pagkakataon dahil
malapit na ang Mother’s day.
Nay, hindi mo alam ito pero nung elementary po ako, tinanong
ako ng teacher ko kung ano ang trabaho mo. Ang sabi ko isa kang businesswoman
pero di ko binanggit na pagtatahi ng basahan ang negosyo mo. Mayabang kasi yung
katabi ko at palagi sinasabi manager sa pagawaan ng kotse yung mommy niya. E
tuwing Christmas party, mas maganda naman ang suot kong damit kesa sa kanya.
Tapos nung high school, napag-usapan naming magkaka-klase
kung ano mga natapos ng mga nanay namin. Ang sabi ko undergrad ka pero di ko na
binanggit na hanggang grade 5 lang inabot mo. Ako kasi nag-top sa buong batch namin
sa National College Entrance Examination (NCEE). Baka sabihin nila nangodiko lang ako o tsamba lang yun. E, magaling naman talaga kayong mag-review sa
akin, diba?
Nung college ko naman, may naghahanap sa inyo kung kelan daw
kayo makikilala ng mga barkada ko kasi hindi ko daw kayo iniimbitahan sa
awarding ceremonies ng mga essay contest na aking pinagwagian. Kayo na din kasi
nagsabi na baka pagsalitain kayo sa stage ng ingles e bilang lang kamo sa daliri
ang English words na alam nyo. Binabati
ko naman kayo sa mga acceptance speeches ko bilang inspirasyon sa aking mga
gawa.
Aminin ko man o hindi, pero hindi ko po kayo naibida sa ibang tao sa
ilang bagay bilang aking ina. Ngunit nais kong linawin na hindi ito nangangahulugan
na ikinakahiya ko kayo. Marahil noong mga panahong iyon ay inaakala kong nararapat
lang ang aking mga ginawa sa mga nasabing sitwasyon.
Ngayon po ay nais kong isigaw sa buong mundo ang lubos kong pasasalamat
sa inyo!
Salamat po na mula sa pagtatahi ng basahan ay nagawa n’yong
bilhan at bihisan ako at ang aking mga kapatid ng maaayos na kasuotan.
Salamat po na kahit di ka nakatapos ng elementarya ay nakagawa
kayo ng paraan at nairaos n’yo akong mapagtapos sa kolehiyo.
Salamat po at kahit hindi kayo magaling mag-ingles ay
naituro nyo sa akin ng wasto ang ABC na siyang naging pundasyon ko bilang isang
manunulat.
Nanay... nais kong lagi n’yong isaisip at isapuso ang mga salitang
ingles na ito na hindi mo man madalas marinig sa akin ay alam kong
maiintindihan ninyo, I love you so much, Nanay Conchit!
Lubos na gumagalang,
Richard
My nanay might shed some tears reading this letter. I just know. She cries over sad movies and
soap operas. So just to lighten up the mode, I prepared some original pick-up
lines especially dedicated to my ever dearest mother. I’ll be using some
products that I see in my nanay’s small sari-sari store so she can easily
relate with my pa-cute messages. Here goes...
Find out how you too can show your appreciation to your mom. Discover why the hardest job in the world is also the best job in the world. Visit the official Thank You Mom Facebook page and be part of the celebration of love to the greatest women of our lives!
2 comments:
galing!!!
Mahusay 👍
Post a Comment