Friday, October 12, 2012

Ngumiti ka naman sa iyong paglisan


"Salamat sa iyong paglisan"

Sa unang dinig ay maaaring hindi maganda ang dating sa sinumang makarinig ng mga katagang ito. Lalo pa siguro kung isusulat pa ng malaki ang mga titik nito sa isang lugar na madalas daanan ng mga tao.

Ngunit sa halos araw-araw na paglabas-masok ko sa isang village sa barangay San Miguel sa lungsod ng Pasig, ngiti sa mga labi ang idinudulot nito sa akin at hindi inis.

Una, dama ko ang sinserong pabaon ng pasasalamat ng taong nagpatayo ng arkong ito sa bawat bisitang dumalaw o dumaan sa nasabing lugar, Marahil, ang gustong ipahiwatag nito ay " Sa iyong paglisan, baunin mo ang aming pasasalamat sa iyong pagpunta sa aming komunidad."

Pangalawa, isa itong maituturing na Pinoy humor at klasikong ehemplo ng isang sablay na hirit na imbes na suya ay saya at tawa ang ibinibigay nito sa karamihan.

At pangatlo, pagpapakita din ito ng kabutihang asal at pagtanaw ng utang na loob ng isang Filipino sa kahit na anong paraan, simple man o engrande, at kahit mali-mali pa ang ingles ay pipiliting iparating ang lubos na pasasalamat sa kapwa.

Ang larawang ito ay ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards.

Ang Saranggola Blog Awards 2012


ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng 




Maraming Salamat sa mga sponsors :




No comments: