Thursday, July 24, 2014

The Fable of the A$$hole



Ever wonder why sometimes a$$holes become leaders? Why they are on top when they are supposed to be down there?

Read this short fable and this could be the answer to this life’s mystery.

Habang natutulog ka, alam mo bang naguusap ang ibat-ibang parte ng iyong katawan? Minsan na nilang pinagtalunan kung sino sa kanila ang tunay na pinuno mula ulo hanggang paa.



UTAK: Sa lahat sa atin dito, ako lang naman nag-iisip. Kaya dapat sa akin kayo makikinig.



MATA: Hala! Eh, pag lasing ka diba kung ano-ano pumapasok sa kukute mo? Ako dapat ang lider dahil ako ang nakakatanaw ng magandang bukas para sa ating lahat.



TENGA: Excuse me… tama ba ang narinig ko?  E may time matapobre ka diba at madalas magbulagbulagan lalo na pag malapit sa iyo ang nagkamali. Ako ang dapat tinitingala sa atin, magaling akong making sa mga hinaing ng nakakarami.



ILONG: Sundutin kaya kita dyan, tenga. Nagbibingi-bingihan ka kaya kapag hindi mo gusto ang nakikiusap sa yo. Bakit di mo ko gayahin, madali akong makaamoy kapag may masamang balak ang tao. Ganyan dapat ang pinuno.



BIBIG: Well, well. Pasakan kaya kita ng bulak, ilong. Minsan nga di mo makita ang sarili mong dumi, iba pa ang nakakakita.  Nakakahiya ka. Ako ang magsasabi kung ano ang gagawin. Isang ngiti ko lang tunaw na kayo.



PUSO: Magtakip ka nga bibig. May baho ka din naman itinatago ah. Ako ang mamumuno sa atake ng grupo dahil sa lahat ako ang tunay na mapagmahal sa tao.



KAMAY: Naku, di ka pwedeng lider puso. Sakitin ka e at ambilis mong mahulog ang loob lalo na pag in love. Ako dapat ang humawak sa ating lahat. Tuturuan ko kayo ng tamang pag-alalay sa mga nangangailangan ng tulong.



PAA: Sipain kaya kita dyan. Minsan kaya malikot ka, kamay kaya napapahamak kaming lahat. Ako ang masususunod kung saan tayo pupunta. Siguradong sa bawat hakbang ko ay lalakad tayo patungo sa paraiso.



PUWET: (boses ipis): Tumahimik kayo. Ako dapat ang maupo bilang pinuno ng grupo!



LAHAT (sabay-sabay, parang taong bayan ang peg): Huwat? Ikaw? E tagalabas ka lang ng dumi e. Hahaha! Tumahimik ka nga dyan. Ambisyoso ‘to.



PUWET: Tumahik pala ha? O sige. Tatamihik ako.



Mula ng araw na ‘yon nag-impit si puwet. Isinara niya ang kanyang butas. Wala siyang pinalabas na dumi o maging hangin. Makalipas ang tatlong araw, nagkasakit ang lahat ng parte ng katawan dahil sa pananahimik ni puwet…



LAHAT (sabay-sabay, parang taong bayan uli ang peg): Puwet, parang awa mo na. Bumuka ka na. Hinang hina na kami at di makakilos ng maayos.



PUWET:  Uuuuuu… uuuuu…



LAHAT: Sige na, ikaw na ang pinuno naming.



PUWET: Talaga?!!!



Hindi ko na ilalarawan kung ano na nangyari nung bumuka si puwet. Imaginin nyo na lang. Basta ang sure e siya ang naluklok sa trono.

Lesson: Sometimes, the leaders are those who can make the greater damage.

And that’s the story why a$$holes become leaders.

This is a modified version of a story narrated by Atty Jospehus Jimenez during a meeting with his staff.

No comments: