Tuesday, August 19, 2014

Ang Sulat ni Nanay at Tatay version 2.0


A few years ago, a letter/ article entitled "Ang Sulat ni Nanay at Tatay" written by Rev. Fr. Ariel F. Robles went viral through email and Friendster (since FB is not yet that big in the Philippines then) because of moving message it contains.

This year, I made my own version, a bit lighter that is, as a Tagalog piece since it's Buwan ng Wika and today is Quezon Day. Magtagalog po muna ko ngayong araw para pagpugay sa Ama ng Wika.

Below is my version of Ang Sulat ni Nanay and Tatay. Actually, I have a few more versions that I might post here in the future (Napahaba ang sulat kaya pinutol ko sawalong bahagi). I just choose this as an appetizer and if the feedback is good, you'll be seeing them in this blog.

Minamahal kong anak,

Pasensiya na kung natagalan bago ako ulit sumulat sa 'yo. Medyo mabagal nang mag-type ang tatay ngayon. Hindi bale, mabagal ka din namang magbasa diba? Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang nabili naming bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number sa gate para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Malayo sa Manila pero
maganda ang lugar na ito. Dalawang beses lang umulan ngayong linggo dito, mula Lunes hanggang Miyerkules na walang tigil noong una at mula biyernes hanggang linggo naman yung pangalawa. Huwag kang mag-alala, naiangat namin lahat ng gamit mo (laptop, TV, stereo, at iba pa) sa bubong, ipasok na lang namin uli kapag tumila na ang ulan. Hanggang binti lang naman ang baha kaya ginamit ko muna yung cowboy boots mong leather sa paglusong.

Ipalam ko nga pala sa 'yo na nag-donate ako kahit limang libo para sa mga nasalanta nating kababayan noong bagyo. Tseke ang binigay ko pero hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.  
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo, ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, Best in English ata ako nung grade 2.

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo via LBC. Medyo mahal nga lang ang binayaran ko dahil mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang Ate Baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang terminal nila?
 

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.


Love,

Tatay


P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay nadilaan at naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha.




Image credit: americanphilosopher.com.

No comments: