Thursday, August 20, 2015

Symptoms of the highly-contagious AlDub fever



Nahawa ka na?


Hindi ng sore eyes o bulotong ha?


Nadale ka na ba?


Hindi ng dengue o tigdas ha?


Kalimutan na muna ang lagnat, ubo, sipon o trangkaso dahil kapag tinamaan ka ng #Aldub Fever e tiyak na mapapabangon ka sa kinahihigaan mo. I'm sure mahal mo na si Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza). Sigurado ako lalo kang naging loyalista ng Eat Bulaga o di kaya naman ay nanawa na sa ibang Show.


Bakit ba bigla kang tinamaan at kinilig sa Alden at Yaya Dub? Wala kang sakit, don't worry. Mukhang epekto na yan ng Aldub fever. Check mo kung may sintomas ka na...


1. Lahat ng makita mong #Aldub fan pages at groups sa Facebook e member ka.


2. Kapag may nagtanong sa 'yo ng mga bagay-bagay kung kailan (ex. kailan ka magbabayad ng utang, kailan mo ililigpit ang mga kalat, kailan magi-improve ang sales ng kumpanya, etc),  ang isinasagot mo palagi, "Sa tamang panahon..."


3. Kapag may kausap ka at may nabanggit na salitang nagtatapos sa letter "A" or "O" palagi kang humihirit ng "asawa ni.... ?"


4. Araw-araw ka naggo-Google na ang key words ay "Aldub Updates"


5. Kapag napupuyat ka dahil inuulit ulit mo yung #kiligmoments ng #kalyeserye sa Youtube.


6. Hinsi na headline ang inabangan mo sa 24 Oras at Saksi. Balita na lang tungkol kina Alden at Maine hanap mo.


7. Kapag naiinis ka, boses Babalu ka na magsalita


8. Mas madalas mo pang mapanaginipan sila Alden at Yaya Dub kesa sa dyowa mo.


9. Yung pag lunch time, dun ka kakain sa karinderyang nakatutok sa channel 7. Tapos late lunch ka palagi.


10. Umabsent ka sa trabaho o school kasi kala mo magkikita na sila Alden at yaya ng araw na yun


11. May pabebe wave photos ka sa Instagram


12. Nag-uusap kayo harap-harapan pero lyrics ng kanta salitaan


13. Nag-skype kayong magsyota tas fan sign lang kayo mag-usap.


14. Bibili ka na ng couple shirt na may #YayaDub sa harap at #KiligPaMore sa likod


15. Walang tao sa kalsada n'yo pag naka-ere na ang Kalye Serye.


Noon sa gamot lang pwedeng maging addict ang mga tao. Ngayon sa fever pwede na... sa #AlDen fever nga lang. Huwag mahiyang umamin. Kahit mga taga-Dos nakatutok na din.






1 comment:

Diva Princess said...

love this Richard, parang lampas lampas na ang #AlDub fever ko pag may thermometer for this